TAGUAN
Uso pa ba ang larong Taguan?
Kailan ka huling nakipaglaro ng taguan….30 years…more
Naaalala mo pa ba kung paano makipag-taguan, madaling sumali diba, kung…isasali ka
Ang mga matatanda ay hindi na naglalaro ng taguan, at least not for fun
May kilala ka bang bata na sa paglalaro ng Taguan ay napaka-husay magtago at walang
makakakita sa kanya.
Nung bata pa kami may kilala kaming ganyan, kapag napagod kami kahahanap-give up na kami
at bahala siyang mainip sa pinagtataguan niya, maya-maya lalabas na siya at galit, kasi hindi
namin siya patuloy na hinanap, syempre magagalit din kami kasi laro ito eh! Mayroong hiding,
mayroong finding, pagtatago at pagkakakita.
Sasabihin naman niya, ang daya ‘nyo, taguan ang laro at hindi give-up an. Tapos nagtatalo-talo
na kung sino ang tama, kaya nagiging taguan at hiyawan. Tapos hindi na siya kasali at mayamaya
din naman sasali uli at kahigpit-higpit na naman magtago. Ewan ko baka nga hanggang
ngayon ay nagtatago pa siya.
May kilala akong isang tao na may terminal cancer, duktor siya alam niya ang mga bagay-bagay,
tungkol sa sakit na cancer at kung paano mamamatay sa pamamagitan ng sakit na ito. Pero
itinatago niya ito sa mga mahal niya sa buhay dahil ayaw niyang magdusa sila sa kalagayan niya,
inilihim niya ang kanyang kalagayan, hanggang siya ay mamatay. Ang sabi ng madami, ang
tapang naman ng taong ito dahil nakapag-tiis siyang mag-isa at matahimik at walang pinahirapan
pero alam ‘nyo, sumama ang loob ng mga nagmamahal sa kanya pamilya, kaibigan masama ang
loob nila, dahil hindi niya sila kinailangan, hindi niya sila pinag-katiwalaang makakaya nilang
makipasan ng kalagayan niya. At masakit sa mga nagmamahal sa kanya, na hindi man lamang
sila nakapag-paalam. Masyado silang nagtago, kung hindi sana, hindi sana siya naalis sa laro.
Taguan…Taguan hindi pambata, kundi pang-matanda. Nagtatago pero umaasang may makakatagpo,
nalilito, ano ang sasabihin ng mga tao, ayokong maka-abala ng kahit sino. Mas
maganda kaysa larong taguan ang larong “Sardinas”. Sardines sa larong ito yung “It” o ang taya
ay siyang magtatago at hahanapin siya ng lahat. Yung unang makakakita sa kanya, makikisiksik
sa pagtatago, hangan sa pangalawa, pangatlo at halos lahat na. Nagsisik-sikan parang
sardinas, liban sa iilan o iisa, tapos ka-sisik-sikan, nag hahagik-gikan , may matatawa ng malakas
at dahil sa katuwaan makikita na ng iba. Yung ibang “Theologians” nang unang panahon,
inilarawan ang Diyos parang taguan o hide and seek. Ang tawag sa latin “deux abscontitus” pero
alam nyo para sa akin, ang Diyos ay hindi hide and seek. Siya ay gaya ng larong sardines,
natatagpuan siya dahil gusto niyang matagpuan. Hindi lang ng isa kundi ng marami, at kung
sino man ang nakakatgpo sa kanya, sumasaya at dahil sa kasayahang dulot nito, natatagpuan din
ang Diyos ng ibang tao. Kaibigan baka patuloy kang nagtatago, maaaring napapagod ka na, ang
sabi ni Jesus “come unto me and I will give you rest” lumapit ka sa Panginoon. Magbalik-loob
ka sa kanya, isuko mo ang iyong buhay kay Jesus at magiging tunay kang maligaya.
Kaligayahang ‘di maitatago sa iba.
Monday, November 10, 2008
TAGUAN
Posted by CaptainRunner at 11/10/2008 08:39:00 PM
Labels: Friendship, Hide and Seek, Openness, Sardinas, Taguan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment